PARA SA DALAGITANG NAGPAKAMATAY NOONG NOVEMBER 2
A 12-year-old girl, who became despondent over her family’s poverty, hanged herself inside their makeshift house a day after her father told her he could not give her the P100 she needed for a school project. [from INQUIRER.net]
Sabihin na nating isa itong kumpisal. Bumili ako ng Big Mac noong araw na namatay ka. Yun ang lunch ko. Madalas ko naman kasi iyong ginagawa. Noong lunes bumili ako ng tatlong libro na hindi ko pa nababasa hanggang ngayon. Sale kasi, 300 pesos lahat. Sa tabi ng kama ko parang may mini library na ng mga hindi ko pa nababasa. Bili lang ako ng bili. Nung December last year bumili ako ng violin sa halagang limang libong piso at wala pa rin akong natututuhang kanta dahil wala akong oras sa pag-aaral. Inaaagiw na ang lalagyan. Buti may nag-inspire sa aking huwag nang mag-Starbucks. May ilang libo akong savings. Yung bangko ang nakikinabang. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa iyo. Hindi ko alam kung paano ka huhusgahan. Hindi ko alam kung paano na ako tinitingnan ng langit. Wala akong ibang masabi kundi 'Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa' kasunod ang matagal na katahimikan.
No comments:
Post a Comment