Nakapanlulumo.
Ang pagkitil ng kalayaan sa
paanan ng tulay na ngayo'y
ipinangalan sa isang dakilang
mandirigma para sa kalayaan pero
noo'y kilala lamang sa isang salita--
Mendiola.
Nakakagalit!
Ang walang patumanggang karahasan
na sumalubong sa daan-daang
magbubukid na nagmartsa patungo
sa paanan ng tulay na noo'y kilala lamang
sa isang pangalan--Mendiola.
Nakakaiyak.
Ang daan-daang sugatan at ang
13 patay sa paanan ng tulay--
na syang sagisag at naging simbolo
ng lahat ng kalayaan na nakamit
matapos mapatumba
ang diktadura--ng Mendiola.
Nakakalimutan.
Enero 22, 1987.
13 patay, higit isandaan sugatan,
sa duguang kamay ng isang
pamahalaang itinayo at itinatag sa
pangako ng kalayaan at katarungan,
sa paanan ng tulay ng Mendiola.
Enero 22, 1987.
Masaker ng kalayaan at katarungan
sa paanan ng tulay ng Mendiola.
1 comment:
Ako'y pitong taong gulang
Nang nangyari ang s'yang ikinakagalit
ang s'yang ibinabaon sa limot.
Ngunit pagkaraan ng dalawang dekada,
Tila nagbabadyang muling maulit.
Ang s'yang ikakagalit.
Ang s'yang mababaon sa limot.
Ngayon, pagkaraan ng ilan pang taon.
Pilipinas, anung mali sa iyo?
S'yang gumawa ng ikinakagalit?
O pati ikaw na nagbabaon sa limot, ng mga alaalang sana'y tinandaan para di na muli pang magalit?
-ogres
Post a Comment